NAKATANGGAP ng tig-P100,000 ayuda mula sa Makati City ang 19 na PNP-Special Action Force (SAF) troopers mula sa 84th Special Action Company o Seaborne na kasama sa sagupaang ikinamatay ng 44 nilang kasamahan sa Mamasapano, Maguindanao.
Inimbitahan ang 19 SAF members sa tanggapan ni Makati City Mayor Junjun Binay at iniabot sa kanila ang tseke ng naturang halaga ngayon Miyerkules.
Mababatid sa plano ng operasyon na nakaatas sa Seaborne ang pagpasok sa bahay ng isa sa teroristang target na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan. Apat pang company ng SAF ang dapat sanang aalalay sa mga papasukan at lalabasan ng Seaborne pero walang support group na umabot sa kanilang mga lokasyon.
Una nang naglaan ng tig-P100,000 ang pamahalaan ng lungsod para sa kaanak ng 44 napaslang na pulis at sa 15 SAF commandos na nasugatan sa bakbakan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment