Wednesday, March 4, 2015

Solon, hihingan ng opinyon sa BBL

HINIMOK ng Visayan Bloc sa Kamara si Justice Secretary Leila de Lima na magbigay na ng legal opinion sa Bangsamoro Basic Law (BBL).


Sa panayam, sinabi ng lead convenor ng grupo na si Negros Rep. Alfredo Benitez na kailangang manghimasok na ang Department of Justice (DoJ) sa constitutionality ng BBL.


Ito’y upang hindi masayang ang panahon ng mga kongresista sakaling maipasa ito ng Kongreso ngunit pagdating pa lang sa Korte Suprema ay ibabasura ito sakaling may magkwestyon.


“Let’s ask the legal opinion of the DoJ for Congress to know what parts of the BBL are unconstitutional,” ayon kay Benitez ng Liberal Party at chairman ng House Committee on Housing and Urban Development.


Aniya, hihimukin nila ang Ad Hoc Committee na hingan na ng legal opinion si De Lima ukol sa BBL at kailangan anilang ito ay “black and white.”


Sa ngayon aniya ay napakaraming tanong ang nakaopaloob at dapat masagot ukol sa legalidad ng BBL at makabubuti aniya kung mas maagang makapagbibigay ng legal opinion ang DoJ.


Pakiusap pa ni Benitez, huwag masyadong paasahin ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na papasa ang BBL.


Mahalaga ayon sa kongresista na maging malinaw na ang posisyon ng DOJ kaysa muling painitin ang ulo at galitin ang mga tao sa BBL dahil posibleng maideklara itong unconstitutional ng SC.


Kahit si House Majority Leader Neptali Gonzales II ay umaapela sa administrasyong Aquino na maging bukas sa posibilidad na hindi maaprubahan ang BBL sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.


Bagama’t hindi pa tuwirang sumusuko sa BBL, sinabi ni Gonzales na dapat magkaroon ng opsyon para sa panibagong negosasyon sa MILF. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Solon, hihingan ng opinyon sa BBL


No comments:

Post a Comment