Wednesday, March 4, 2015

Ex PH ambassador sa Nigeria, guilty sa malversation

HINATULAN na kaninang umaga (Marso 4) ng Sandiganbayan First Division ng 10 hanggang 17-taong pagkabilanggo ang dating ambassador ng Pilipinas sa Nigeria dahil sa tatlong kaso ng malversation of public funds.


Sa desisyon ng anti-graft court, napatunayang mali ang naging paggamit ni dating Ambassador Masaranga Umpa sa pondong aabot sa P3-bilyon.


Idineklarang guilty beyond reasonable doubt si Umpa dahil hindi nito maipaliwanag kung saan niya dinala ang nasabing halaga noong 2011 bilang kinatawan ng bansa sa Nigeria.


Inirekomenda naman ng korte sa pamamagitan ng Department of Justice (DoJ) na gawaran ng commutation o pardon si Umpa dahil sa edad nitong 77. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex PH ambassador sa Nigeria, guilty sa malversation


No comments:

Post a Comment