Wednesday, March 4, 2015

Senglot na driver, 1 pa todas sa puno

NATIVIDAD, PANGASINAN – Patay ang dalawang katao habang dalawa ang sugatan matapos bumangga ang kanilang sasakyan sa isang puno sa Natividad sa nasabing lalawigan kahapon (March 3).


Namatay sa pinangyarihan ng insidente sina Rizaldfy Paas, driver at Rowena Wa-e, kapwa ng bayan ng Natividad.


Samantala, ang sugatan na sina Randy Gallanta at Genrose Edioma ay agad isinugod sa pinakamalapit na hospital.


Sa imbestigasyon, sinabi ni Natividad police officer-in-charge Sr. Insp. Ariel Caballero, lulan ang mga biktima ng Honda Civic (TFH-410) na mabilis ang takbo dahil sa kalasingan ni Paas.


“Yung driver lasing, mabilis magpatakbo,” ani Caballero. “Hanggang sa hindi na niya ma-control ang manibela, nabangga niya ‘yung isang puno ng mangga.”


Si Paas at Wa-e, na parehong nasa harap ng kotse, ay nagtamo ng parehong bone at skull fractures sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.


Ang mga biktima ay galing umano sa isang kasiyahan nang mangyari ang insidente. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Senglot na driver, 1 pa todas sa puno


No comments:

Post a Comment