LABIS na ikinalungkot ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas ang pagkamatay ng tatlong bumbero ng BFP Mati City.
Kinilala ang mga bayaning bomber na nakilalang sina Arnel John Angsinco, Ludovico Ponce, at Nico Corambao, matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang firetruck.
Nangyari ang aksidente habang rumeresponde ang mga ito sa isang sunog sa Manay, Davao Oriental.
Taos-pusong pakikiramay ang ipinaabot ng kalihim sa mga kaanak ng mga nasawing bumbero at tiniyak na makakatanggap ng karampatang tulong ang mga nasawi at ang apat nilang kasamang nasugatan sa aksidente.
Pagtiyak naman ng kalihim, kanyang paiimbestigahan ang nasabing aksidente.
Pahayag pa ni Roxas, patuloy ang pagsisikap ng DILG na mabigyan ang bawat bayan ng kanilang sariling firetruck at masiguro na maayos ang kagamitan ng mga bumberong magtataya ng kanilang buhay sa pagtugon sa mga sunog at sakuna. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment