MALAKI ang paniniwala ng mga awtoridad na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nanambang sa dalawang sundalo ng Philippine Army sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga napatay na sina Corporal Nelger Pinero at Private First Class Gamaniel Bulaybulay, mga tauhan ng 37th Infantry Battalion Philippine Army.
Sa ulat ng pulisya, napag-utusan lamang ang mga biktima para bumili ng kape at asukal sa isang tindahan lulan sa isang motorsiklo sa Buldon, Maguindanao nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.
Patay noon din ang dalawang sundalo nang paulanan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Bago tumakas ang mga suspek ay kinuha pa ang dalang armas ng mga biktima. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment