ISANG bahay ng Ret. Phil. Air Force ang nabiktima ng akyat-bahay sa Bgy. San Isidro, Magalang, Pampanga kamakalawa.
Sa report sa tanggapan ng PPO, dakong 10:15 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang Magalang PNP buhat sa biktimang si Ret. 2nd Lt. Mario de Leon, 68, ng nabanggit na barangay.
Ayon sa biktima, pwersahang sinira ang bintana ng bahay niya upang maging daan papasok ngunit agad nakaresponde ang pulisya at nahuli sa aktong bitbit ng suspek ang isang laptop, casette player at ‘di malamang halaga ng pera.
Kinilala ang suspek na si Jojo Canagahan, 32, binata, tubong Zamboanga City at kasalukuyang naninirhan sa Sta. Lucia Extn.
Kasong robbery ang kinakaharap ni Jojo na kasalukuyan nang nakakulong sa Magalang detention cell. GARY BERNARDO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment