Saturday, March 28, 2015

Pag-pospone ng SK election, oks kay Belmonte

SA pagpapaliban ng Sangguniang Kabataan elections, naniniwala ang liderato ng Kamara na lalong mapaghahandaan ang pambansang halalan sa May 2016.


Ito’y ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. matapos lagdaan ni Pangulong Aquino ang postponement ng SK elections upang isabay sa barangay elections sa October 2016.


Sa ganitong paraan ayon kay Belmonte, mas mapaghahandaan ng Kongreso at mapag-aaralan ang mga reporma na dapat pang gawin sa SK gayundin ang ilang pag-amyenda sa Local Government Code.


Maisasaayos din aniya ang sistema ng SK sa bansa para sa mas responsive na mga kabataang naglilingkod sa mga barangay.


Sa pagsasabatas aniya ng pagpapaliban sa halalan ng SK, mabibigyan-daan nito para matiyak na ang isasagawang pampanguluhang halalan ay matagumpay, maayos at mapayapa. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-pospone ng SK election, oks kay Belmonte


No comments:

Post a Comment