NANAWAGAN na ang mga magsasaka sa pamahalaan ng ayuda sa lalawigan ng South Cotabato dahil sa nawawalan na sila ng kabuhayan dulot ng El Niño phenomenon.
Batay sa datos ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), umaabot na sa P77-million ang danyos sa mga pananim na dulot ng nagpapatuloy na tag-init sa lalawigan.
Sa naturang pinsala, P67.8-million dito ang danyos sa taniman ng mais, habang P10-million naman sa palay.
Inihayag ni South Cotabato Provincial Agriculturist Justina Navarete, nasa 1,379 na ektarya na ng maisan ang apektado ng El Niño, habang 280 hectares naman sa taniman ng palay.
Matinding tinamaan nito ang bayan ng Polomolok.
Nasa 1,415 na mga rice at corn farmers ang naapektuhan sa 30 barangay sa lalawigan.
Ilan sa mga hakbang na ginagawa ng OPAg upang matulungan ang mga magsasaka at upang maibsan ang epekto ng El Niño ay ang pagbibigay ng corn seeds subsidy sa mga corn farmers, libreng bigas, organic fertilizers at mga rodenticides sa mga sinalakay ng pesteng daga.
Nananawagan din si Navarete sa mga magsasaka na magpapalit ng 10 buntot na mahuhuling daga sa 1 kilo ng bigas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment