Saturday, March 28, 2015

Kinakabog ni Camille si Jennylyn Mercado!

NAKAKALOKA talaga ang showbiz pag nalaos ka. Isang dating sikat na aktor ang nagmakaawa para magka-project sa isang executive.


Talagang umiyak daw ito at nagmakaawang bigyan naman siya ng serye.


Magaling naman ang aktor kaya binigyan ng proyekto. Nahabag sa kanya ang executive sa mga pinagdaraanan niya. Talagang may problema kasi ang aktor sa financial.


Lumaki rin kasi ang ulo niya nu’ng kasikatan niya kaya dumarating talaga ‘yung tinatapik siya ng Diyos.


Pak!


-0o0-


Hahataw ngayong Linggo ang SAS Prime Artists na sina Dennis Trillo, Andrea Torres at Jonalyn Viray sa Sunday All Stars ng GMA.


May pasabog naman ang ‘Sabado-Badoo’ na sina Sef Cadayona at Betong para sa SAS’ newest segment. Makakasama nila sa kanilang face-off sina Bea Binene vs. Barbie Forteza; Rodjun Cruz vs. Ruru Madrid; at take note, Kylie Padilla vs. Louise delos Reyes.


Sina Mark Herras, Kristoffer Martin, Pekto, Moymoy Palaboy, RJ Padilla, with Sef Cadayona and Betong ay maghahandog naman ng pakwela at kiliti sa Felix Dance.


Magdiriwang naman si Aljur Abrenica ng kanyang kaarawan. Ang mga SAS Sexiest ladies naman na sina Max Collins, Sam Pinto, Rochelle Pangilinan at Kylie Padilla magbibigay ng init sa kanilang sexiest performance.


Tutok na sa Sunday All Stars (#FunSASsummer) at 2pm only on GMA7.


-0o0-


Marami ang nagsasabi na mas challenging ang role ni Camille Prats kesa kay Jennylyn Mercado sa primetime drama series na ‘Second Chances’ ng GMA 7.


Nakikitaan ng acting si Camille sa pagiging bipolar. Hindi ito biru-biro dahil up and down of emotions ang kanyang kailanganng ipakita at i-arte.


Pero ngayong darating na Holy Week, sasamantalahin na ni Camille ang pagkakataon para makapagpahinga, mag-recharge, at makasama ang kanyang pamilya sa property nila sa Batangas.


“My plan this Holy Week is to have a quiet week with my family in our place in Batangas,” sey niya.


Talbog! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kinakabog ni Camille si Jennylyn Mercado!


No comments:

Post a Comment