PATAY ang pitong-buwang ginang na buntis matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Dungon sa bayan ng Sison, sa lalawigan ng Pangasinan.
Labis umanong dinamdam ng biktimang si Mylene Ucag ang pag-aaway nila ng kanyang kinakasamang si Isidro Roma na humantong sa kanilang hiwalayan.
Hindi umano kinaya ng 21-anyos na biktima ang pag-iwan sa kanya ng live-in partner base na rin sa nakitang palitan ng mensahe sa text ng dalawa.
Mismong ang bayaw nitong si Mark Canusa ang nakakita sa biktima na nakabigti sa loob ng silid nito gamit ang sinturon nang ito’y magtungo sa kanilang bahay.
Isinugod pa sa Rosario Hospital sa lalawigan ng La Union ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.
Labis naman ang hinagpis ng kanyang mga kaanak sa sinapit nito. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment