APRUBADO na ng House Committee on Appropriations ang paglalaan ng pondo para sa implementasyon ng Freedom of Information Bill (FOI) sakaling maging ganap na batas ito.
Ngunit general approval ang ibinigay dito ng House Committee on Appropriations dahil walang itinakdang eksaktong halaga para sa pagsasakatuparan ng FOI.
Ito’y nangangahulugang ipapaloob na sa taunang General Appropriations Act ang pondo para dito.
Paglilinaw naman ng Department of Budget and Management (DBM), may nakatakdang alokasyon ang mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang Local Government Units para sa transparency measures at dito na maaaring ipasok ang pondo ng FOI.
Ngayong nakalusot na sa Appropriations Committee ay tinatayang nalalapit nang maiakyat sa plenaryo ang FOI Bill para sa deliberasyon bago ang second reading.
Nakapaloob sa FOI na magkakaroon ng dalawang taon ang mga ahensiya ng gobyerno at LGUs para ipatupad ang nilalaman nito at ihanda ang kani-kanilang tanggapan para sa transparency.
Nangangahulugang kailangang may kumpletong set-up na ng website at may cyber office na para mai-upload ang lahat ng mga dokumentong kailangang maisapubliko kasama na ang sa lahat ng transaksyon ng bawat tanggapan.
Kabilang sa mga dapat i-upload ang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mga matataas na opisyal ng ahensiya at LGUs. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment