Wednesday, March 4, 2015

Ama, kulong sa panggagahasa ng anak

KULONG ang isang matador na nahaharap sa dalawang kaso ng panggagahasa sa sariling anak dalawang taon na ang nakakalipas sa lungsod ng Urdaneta sa Pangasinan.


Sa imbestigasyon, matagal nang nagtatago sa batas ang suspek mula sa Bgy. Anonas na gumahasa sa kanyang anak na noo’y 11-anyos pa lamang.


Napag-alamang pinapasok ng suspek ang anak sa silid nito sa inuupahang bahay.


Todo-tanggi naman ang nakakulong ng suspek sa mga akusasyon laban sa kanya.


Posible aniyang nagalit lamang ang anak nito sa kanyang ginawang paghaplos dito subalit taliwas naman ito sa resulta ng medico legal examination ng biktima. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Ama, kulong sa panggagahasa ng anak


No comments:

Post a Comment