Saturday, March 28, 2015

OFWs sa Canada, hirap sa matinding pag-ulan ng yelo

BAGAMA’T summer, nahihirapan na ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Canada dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan ng niyebe roon.


Ayon kay Mrs. Elizabeth Calzo, tubong Sta. Maria, Ilocos Sur na nagtuturo na sa Winnipeg, Manitoba, Canada, abnormal ang panahon sapagkat matapos ang ilang buwang pagtamasa ng snowstorm, dapat ay nararanasan na nila ang summer ngunit hindi dahil makapal na niyebe ang sumasalubong sa kanila paglabas at pag-uwi mula sa trabaho.


Kahit grabe ang kanilang nararanasan ay kailangan pa rin nilang magtrabaho sapagkat wala namang abiso ng kanilang mga employers na sila’y lumiban.


Ayon kay Calzo, bagama’t delikado para sa mga anak nilang nag-aaral, pinapapasok pa rin sila sa paaralan dahil sa walang abiso mula sa gobyerno ng Canada.


Gayunpaman, kinakailangan nilang magtiis alang-alang sa kanilang pamumuhay sa naturang bansa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



OFWs sa Canada, hirap sa matinding pag-ulan ng yelo


No comments:

Post a Comment