Saturday, March 28, 2015

MILF, suportado si Duterte sa 2016 poll

KINUMPIRMA na ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) first vice chairman Ghadzali Jaafar na sinusuportahan nila ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa darating na 2016 presidential elections.


Ayon kay Jaafar, may pumunta na sa kanilang kampo at ipinaalam ang mensahe ni Mayor Duterte, ngunit wala pa umanong skedyul kung kailan at ilang oras silang magpupulong.


Kaugnay nito, inamin din ni Jaafar na iniidolo nila si Duterte at humahanga sila sa pamumuno nito sa Lungsod ng Davao.


Suportado rin umano nila itong maging presidente dahil makakaya nitong mapatupad ang kapayapaan sa buong bansa.


Malaki rin ang paniniwala nila na mapapaunlad ni Duterte ang bansa sakaling manalo ito na presidente sa 2016. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



MILF, suportado si Duterte sa 2016 poll


No comments:

Post a Comment