Monday, March 2, 2015

Jodi, bantay-sarado kay Jolo

MAHIGPIT na binabantayan ngayon sa intensive care unit (ICU) ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ng aktres na si Jodi Sta. Maria dahil sa maselang kondisyon ang boyfriend na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla dahil sa aksidenteng pagkakabaril sa sarili.


Bumuhos ang suporta ng mga followers ng 32-year old actress at karamihan ay nagpahayag na kaisa silang nagdarasal nito para mas bumilis ang paggaling ni Jolo.


Nabatid na maliban sa pamilya ng celebrity politician, sinasabing namataan din si Jodi na hindi umaalis sa tabi ng kasintahan na ngayo’y nasa ICU pa rin ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.


Nabatid na magdiriwang si Jolo ng kanyang 27th birthday sa darating na March 15.


Kung maaalala, si Sta. Maria ay dating misis ni Pampi Lacson at mayroon silang isang anak habang si Revilla ay may anak din sa panganay na anak ni Rosanna “Osang” Roces na si Grace Adriano. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Jodi, bantay-sarado kay Jolo


No comments:

Post a Comment