IDINEKLARA ng senado ang Marso 16 bilang pambansang araw ng paghilom para sa pagkakaisa at kapayapaan.
Ito’y sa bisa ng Resolution 1204 na inaprubahan ng senado na naglalayong himukin ang mga Pilipino na manindigan para sa katarungan habang nananatiling tapat sa usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, layunin din aniya ng resolusyon na ihayag ang pagkilala ng senado sa mga nabiktima ng gulo sa Mindanao lalo na ang mga nag-alay ng buhay sa ikinasang oplan exodus sa Mamasapano, Maguindanao.
Nataon ang nasabing National Day of Healing for Peace and Unity sa paggunita ng ika-40 araw ng pagkakamatay ng tinaguriang Gallant 44, 18 miyembro ng MILF at ilang sibilyan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment