NAGSAGAWA ng motorcade ang mga kagawad ng pamatay sunog sa Navotas City, upang magbigay babala sa mga residente na mag-ingat at iwasang magkasunog na idinaraos tuwing Marso 1 bilang Fire Prevention Month.
Nagbigay din ng babala si Mayor John Rey Tiangco na maging maingat ang lahat upang hindi danasin ang kalamidad at tiyakin na regular na maayos ang mga wiring ng kanilang mga kuryente na kalimitang nagiging dahilan ng sunog.
Ayon sa alkalde, noong buwan pa lamang ng Pebrero ay naglunsad na ang mga paaralan ng mga fire drills nang sa ganon ay mabigyan kaalaman ang mga mag-aaral sakali mang may sunog sa lugar.
Umaga rin ng Marso 1 ay naging matagumpay ang Medical Mission na alay ng Mercury Drug sa pakikipagtulungan ni Mayor Tiangco kung saan dinumog ng libo-libong tao ang libreng gamutan.
Ang nasabing gamutan ay alay ng lokal na pamahalaan at ng Mercury Drug para sa mahihirap na residente ng lungsod, na walang kakayahang magbayad sa konsulta at walang pambili ng mga gamot.
Pinangunahan nina Christia Padolina, city health officer ng lungsod, kasama si Dr. Henry Tinio, at iba pang mga doktor na nag-alay ng libreng serbisyo.
Tinatayang 2,000 pamilya ang nabiyayaan ng libreng gamutan na isinagawa sa tapat ng lokal na pamahalaan.
Kabilaang sa mga gamot na ipinamahagi ay gamot sa lagnat, ubo, sipon, anti-biotics, mga bitamina at iba pang branded medicines. ROGER PANIZAL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment