Tuesday, March 3, 2015

Nagnakaw dahil sa graduation ng anak, bugbog-sarado

HINDI na makilala dahil sa bugbog-sarado ang isang magnanakaw matapos kuyugin ng mga residente sa Bgy. Lerma, Naga City.


Kinilala ang suspek na si Bon Joseph rayani, 29.


Nabatid na nagkunwaring kliyente ang suspek at pumasok sa isang opisina ng isang travel agency.


Ngunit nang mapansin umanong nag-iisa lamang ang bantay ay saka na nito tinutukan ng kutsilyo ang biktima, iginapos at hinalungkat ang mga gamit sa loob bago dali-daling tumakas.


Ngunit namataan siya ng mga residente sa lugar na siyang humabol sa salarin at nang maabutan ay tuluyan nang kinuyog.


Mabuti na lamang umano at dumating kaagad ang mga pulis dahil kung hindi ay posibleng naging seryoso ang kalagayan nito.


Si Rayani ang siya ring itinuturing na suspek sa serye ng mga nakawan sa lungsod kabilang na ang panloloob sa isang laundry shop kung saan iginapos at tinakot din nito ang bantay ng nasabing laundry shop.


Ayon kay Rayani, isinisi pa nito sa kanyang anim na taong gulang na anak ang dahilan ng kanyang pagnanakaw.


Ayon kay Rayani, graduation umano ng kanyang anak sa kindergarten at kailangan umano niya ng pera para rito.


Sa ngayon, patung-patong na kaso ang nakatakdang kaharapin ng salarin. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Nagnakaw dahil sa graduation ng anak, bugbog-sarado


No comments:

Post a Comment