MAY panibagong C295 military transport aircraft ang Philippine Air Force sa kanilang cargo at transportation capability.
Ayon kay Defense Usec. for Finance Fernando Manalo, ang kauna-unahang C295 ay darating ngayong Marso.
Sinasabing limang buwan na mas maaga kaysa sa inaasahan ang pagdating ng twin-turbopop tactical plane kung saan susundan ng dalawang iba pang mga unit ngayon taon.
Samantala, hindi naman idinetalye ni Manalo kung kailan ang arrival ng unit dahil sa usapin ng seguridad.
Tinatawag naman ng Airbus bilang “tactical workhorse” at “most capable and versatile transport and surveillance aircraft” ang C295.
Madali rin itong i-operate at fuel-efficient.
Ang C295 ay kayang magdala ng siyam na toneladang kargamento o 71 personnel na may maximum cruise na 480 kilometers per hour na aabot hanggang 25,000 ft. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment