Tuesday, March 3, 2015

Muling pagdalaw ni Sen. Bong kay Jolo, kokontrahin

POSIBLENG kontrahin pa rin ng prosekusyon ang balak ng kampo ni Sen. Bong Revilla na maghain ng panibagong apela sa Sandiganbayan para muling madalaw ang anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa Asian Hospital.


Ayon sa special prosecutors, hindi maaaring maabuso ang ibinibigay na konsiderasyon ng korte lalo na at plunder o non-bailable ang kasong kinakaharap ni Revilla.


Una nang sinabi ni Atty. Raymund Fortun na kinapos sila ng panahon para makasama pa sana ng mambabatas ang anak nitong nasa ICU, matapos aksidenteng mabaril ang sarili noong Sabado.


Gayunman, nasa kamay pa rin umano ng Sandiganbayan 1st Division ang desisyon kung pagbibigyan ang magiging bagong urgent motion ng senador. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Muling pagdalaw ni Sen. Bong kay Jolo, kokontrahin


No comments:

Post a Comment