IPINAHAYAG ng PAGASA na posibleng maramdaman na ang epekto ng El Niño phenomenon o matinding tagtuyot sa kalagitnaan ng taon.
Ayon kay Anthony Joseph Lucero, Senior Weather Specialist ng PAGASA, aabot sa 60 hanggang 75 porysento ang posibilidad na matuloy ang El Niño lalo’t may namo-monitor silang pag-init mula sa karagatan.
Sa sandaling matuloy, sinabi ni Lucero na asahan nang mararanasan ang epekto ng El Niño sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre kaya dapat na itong paghandaan.
Ilan sa mga maaaring matinding maapektuhan ng El Niño ay ang Cagayan Valley, Ilocos at Metro Manila sa Luzon, Iloilo at Cebu sa Visayas gayundin ang Sultan Kudarat at Cotabato naman sa Mindanao. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment