Wednesday, March 4, 2015

MALALAGIM NA SENARIO

MARAMI ang nagmumuni-muni kung ano ang kapalarang naghihintay kay Pangulong Noynoy Aquino matapos ang sunod-sunod na sinasabing kapalpakan niya magbuhat nang maupo siya sa Malakanyang.


Nang mag-withdraw ng support ang militar kay Erap Estrada, agad nilang pinaupo bilang Presidente si Vice President Gloria Macapagal-Arroyo.


Si Erap ay hinatulan ng pandarambong ng kampo ni Gloria. Pinalaya si Erap matapos mabigyan ng pardon ni Gloria.


Nang matapos ang termino ni Gloria ay siya naman ang pinakulong ng bagong halal na Pangulo, si Noynoy.


Matapos kaya ang termino ni Noynoy sa susunod na taon o kaya ay mapatalsik siya sa puwesto kung sakaling magkaroon ng isang coup d’etat?


Kung sakaling matapos niya ang kanyang termino, hindi naman kaya siya ipakulong ng susunod na presidente?


Saan naman kaya siya ipakukulong? At bigyan kaya siya ng presidential pardon?


Malamang na hindi siya mabigyan ng pardon lalo na kung kaalyado Pangulo na posibleng maging si VP Jojo Binay?


Maaari rin namang mabigyan si Noynoy ng pardon ni Binay dahil may pinagsamahan naman ang dalawang ito. At siyempre, si Gloria rin ang isa pang mabibigyan ng pardon dahil may pinagsamahan din sila ni Binay.


Noynoy resign ang sigaw ng mga galit kay Noynoy. Ngunit sino ang papalit kay Noy?


Si Binay kaya dahil sa law of succession?


Kung ganoon, maaaring ipakulong muna si Noynoy ng Sandiganbayan ayon sa kanyang mga sinasabing mga kasalanan niya sa bayan.


Gaano kaya katagal mapipiit si Pang. Noynoy bago siya mabigyan ng pardon ng susunod na Presidente?


Kung sakali namang maging successful ang coup at may matatag na military junta, sa kulungan kaya pupulutin si Noy? At si Binay rin kaya ay makalaboso sa sobrang dami ng bintang sa kanya, katulad ng pagnanakaw sa kaban ng bayan? DEEP FRIED/RAUL VALINO


.. Continue: Remate.ph (source)



MALALAGIM NA SENARIO


No comments:

Post a Comment