Tuesday, March 3, 2015

Magtiyuhin nagsaksakan dahil sa telebisyon

PATAY ang isang binata matapos saksakin ng sariling tiyuhin nang hindi sila nagkasundo sa papanooring channel sa telebisyon sa bayan ng Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan.


Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Joel Pimentel dahil sa lalim ng tinamong sugat sa dibdib nang saksakin ng nakaalitang tiyuhin na si Desiderio De Vera.


Bago ang insidente ay nag-inuman pa ang mag-tiyuhin subalit hindi nagkasundo ang mga ito sa channel na papanoorin sa telebisyon dahilan ng kanilang pagtatalo na nauwi sa pananaksak.


Nagawa pang maka-uwi sa kanilang bahay ang lasing na biktima na hindi namalayang malalim ang sugat na tinamo.


Isinugod ito sa ospital subalit binawian din ng buhay.


Desidido naman ang pamilya ng biktima na kasuhan ang suspek na kasulukuyan ding nagpapagaling sa pagamutan. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Magtiyuhin nagsaksakan dahil sa telebisyon


No comments:

Post a Comment