PUMANAW na si Jam Sebastian ng Youtube sensation na ‘Jamich,’ dahil sa stage 4 lung cancer.
Ayon sa ina ni Jam na si Maricar, namaalam na si Jam ganap na alas-10:30 ngayong umaga, Marso 4, Miyerkules.
Sa Facebook post ng fiancee ni Jam na si Mich Liggayu, malugod nitong ipinagpapasalamat sa Panginoon na hindi na siya maghihihirap pa.
“Pray tayo ulit. But this time mag-thank you tayo kasi magiging happy na si Jam with God. Di na siya mahihirapan. Let’s pray na mapuno siya ng love and peace. Angels of God, embrace Jam. Protect him. Lead him, God,” ani Mich na puno ng kalungkutan.
“We love you Jam Fernando Sebastian. I’m sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven. Sana ma-dream kita na ipaalam mo lang samin na masaya ka na and healthy ulit with God. Thank you for everything… No words can explain. Until we meet again…” aniya pa.
Maalalalang kamakailan lang ay hiniling na ni Jam ang ‘mercy killing’ para sa mapayapa niyang paglisan ngunit kinontra ito ng kanyang ina.
Ilang celebrities na rin ang dumalaw kay Jam para palakasin ang loob nito gaya nila Vice Ganda, Jhong Hilario, Karen Davila, Hayden Kho, at Kris Aquino.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang mga netizens sa social media gaya ng Facebook at Twitter, sa nobya ni Jam na si Mich at pamilya nito. GILBERT MENDIOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment