KASONG parricide ang kasong isasampa sa isang lalaki sa District 2, Gamu, Isabela matapos nitong mabaril at mapatay ang kanyang nakatatandang kapatid dahil umano sa utang.
Kinilala ang suspek na si Christopher Carlos, 32, habang ang biktima’y ang kanyang kuya na si Ernesto Carlos, kapwa ng District 2, Gamu, Isabela.
Dakong 9:40 kagabi nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nagbunga ng pamamaril ni Christopher sa kanyang kapatid na agad namang naaresto at naikulong sa Gamu Police Station.
Sa salaysay ni P/Sr. Inspector Calixto Labang, hepe ng Gamu Police Station, sinabi niya na matagal nang may alitan ang magkapatid dahil sa utang. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment