Tuesday, March 3, 2015

Kelot, nagnakaw sa ospital para ipanghanda sa anak

ARESTADO at sasampahan ng kasong pagnanakaw at illegal possession of firerams ang isang lalaking nagnakaw sa baril ng guwardiya at iba pang gamit sa isang pribadong ospital para umano sa birthday ng kanyang 6-anyos na anak.


Tinangay ng suspek na si Arturo Malabbo, 30, ng District 3, Cauayan City, Isabela ang service firearm na cal. 38 ng security guard na si Tomas Odatu, 25.


Dakong 3:00 kaninang madaling-araw nang magtungo si Malabbo sa God’s Will Medical Hospital sa Roxas St., Cauayan City at kinuha ang baril ng guwardiya na nakatulog sa OPD room ng ospital kasama ang utility boy.


Nagising umano ang dalawa nang marinig nila ang kaluskos at kanila itong hinanap hanggang sa makita si Malabbo.


Nang komprontahin nila ito ay biglang nagpumiglas kaya humingi ng tulong ang guwardiya sa Cauayan Police Station dahilan para madakip si Malabbo. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, nagnakaw sa ospital para ipanghanda sa anak


No comments:

Post a Comment