MATAAS ang kumpiyansa ni coach Freddie Roach na meron siyang hawak na pinaka-the best na game plan kay Manny Pacquiao (57-5-2, 38KOs) para palasapin ng unang talo sa kanyang career si Floyd Mayweather, Jr. (47-0).
Ayon kay Roach, matagal na niyang pinag-aralan ang istratehiyang ito mula noong limang taon ang nakalipas.
Dahil sa nagka-edad na ang dalawa, meron umanong bahagyang adjusment na mangyayari sa inihanda niyang istratehiya.
Sa pagbalik umano niya sa Los Angeles matapos sa Macau ay pagpapraktisan na nila ang sa training camp ang kanilang pinakamabisang diskarte.
Gagawin nila ang ensayo nang close door dahil sa sikreto ito at hindi dapat na malaman ng iba.
Inaasahan ni Roach na kaya nilang ma-knockout sa huling mga rounds ang pound-for-pound king.
Nagpatikim naman ang American Hall of Fame trainer sa gagawin nilang istilo kung saan dapat na magpakawala lagi ng maraming suntok si Pacman para diktahan ang laban. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment