SA pelikula lang talaga bad boy ang image ni Robin Padilla dahil in real life ay likas na mabait pala at very generous ang action star especially sa mga taong nakasama niya nu’ng time na struggling pa lang ang career sa showbiz. Kahit ang mga kasamahang entertainment press na mga naging close noon ni Robin, tuwing nakikita sila ng aktor sa kanyang mga presscon o anumang event ay talagang binabalikan niya ng utang na loob ang mga ito sa pamamagitan ng pagsi-share ng kanyang blessing.
Siyempre pa, panalo rin sa kanya ang kanyang mentor discoverer at naging director ng mga blockbuster movie noong late 80’s at 90’s na si Deo “Dikong” Fajardo na naging daan nang kanyang pagsikat ng husto. Yes, nalaman namin na hanggang ngayon pala ay tuloy-tuloy o non-stop ang ginagawang pagtulong financially ni Binoe kay Dikong lalo na’t balitang may alzheimer na ang dating sikat na director.
Diumano, ‘di na gaanong nakakikilala ng mga tao si Dikong. Maswerte raw siya dahil ang na-discover niyang Robin Padilla ay hindi siya kailanman iniwan sa ere. Kahit ang misis ni Binoe na si Mariel Rodriguez ay hindi naging maramot sa pagtulong kay direk.
Honestly, bibihira lang tayo makakita nang mga ganitong klase ng artista. Isama na natin dyan si Coco Martin na marunong ding talagang tumanaw sa lahat ng mga taong nakatulong sa kanyang career. ‘Yung manager ng primetime king sa ABS-CBN na si Coco Simo tuwing nagbabakasyon ng Pinas ay sagot ni Coco ang pag-stay nito sa hotel na tinutuluyan. Parehong mga well-mannered gyud!
TAMBALANG COCO AT JULIA MALAKAS ANG HATAK SA MGA MANONOOD
Matagal nang subok ang chemistry nina Coco Martin at Julia Montes. Tuwing sina Coco at Julia ang magkatambal, talagang tinatangkilik sila at umaabot ng ilang season ang kanilang show.
Tulad ngayon na ang original na magka-loveteam ang bida sa summer special na Wansapanataym ng Dreamscape Entertainment na Yamishita’s Treasure’s. Sa trailer palang ay maraming Kapamilya na ang nag-enjoy dahil sa quality entertainment at value na hatid nito na halatang hindi nagtipid ang production outfit ni Sir Deo Endrinal para maibigay ang maganda at dekalidad na programa sa kanilang mga suking manonood. Kaya naman noong Linggo, March 22 ay pinakapinanonood na TV program ang Yamishita’s Treasures ng Hari ng Primetime (Coco) at Kapamilya actress (Julia) sa pinakabagong Wansapanataym specials.
Ayon sa datos ng Kantar Media, nanguna sa listahan ng most-watched TV program sa Pilipinas ang pilot episode ng show taglay ang national TV rating na 27.4% na malaki ang kalamangan kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa. Dahil sa tuwa ng TV viewers at netizens sa bagong proyekto nina Coco at Julia, mabilis naging nationwide trending topic ang hashtag na #YamishitasTreasures sa mga sikat na social networking site tulad ng Twitter. Napanonood ang Yamishita’s Treasures tuwing Linggo sa ganap ng 6:45 PM pagkatapos ng Goin Bulilit sa ABS-CBN-2. WALANG KIYEME/PETER LEDESMA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment