Tuesday, March 3, 2015

11 sugatan, 1 kritikal sa pambobomba sa Egypt

ISA ang kritikal habang 11 ang sugatan sa naganap na pagsabog ng bomba sa labas ng Egyptian supreme court sa Cairo, Egypt.


Pinabulaanan ng hospital officials ang unang lumabas na balita na namatay na ang lalaking unang nai-report ng otoridad at state media.


Ayon sa mga medic, nasa intensive care unit (ICU) ang biktima at nagkaroon ng brain damage.


Kung maaalala, noong Huwebes ay may apat na bomb attacks sa Cairo kung saan isa ang patay at dalawa ang sugatan sa isang pag-atake sa labas ng restaurant sa residential Imbaba district ng Egypt. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



11 sugatan, 1 kritikal sa pambobomba sa Egypt


No comments:

Post a Comment