Tuesday, March 3, 2015

Bulkan sa Chile pumutok, libong katao lumikas

NAG-EVACUATE ang libo-libong katao matapos sumabog ang isa sa pinakaaktibong bulkan sa Chile.


Ayon sa National Emergency Office (NEO), ang Villarrica volcano ay pumutok bandang alas-3:00 ng madaling-araw, kanina.


Una rito, nagbuga ng matinding usok sa himpapawid habang ang lava ay dumaloy sa bunganga ng bulkan.


Agad namang naglabas ng red alert at nag-utos ng evacuation ang NEO.


Nasa 3,500 katao na ang inilikas sa naturang lugar base sa report ni Interior and Security Minister Rodrigo Penailillo.


Ang Chile ay may mahigit 2,000 bulkan sa Andes cordillera at nasa 90 ang nananatiling active. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bulkan sa Chile pumutok, libong katao lumikas


No comments:

Post a Comment