Wednesday, March 4, 2015

CHECK-TONG NG TAYUMAN DETACHMENT, GARAPALAN

BIBILIB na sana ako sa sipag ng mga kapulisan ng Tayuman Detachment ng Manila Police Station 7 sa pamumuno ng Station Commander nitong si Supt. Joel Vilanueva, partikular na ‘yung mga pulis na gumagamit ng Mobile Patrol na may Body Number M-367 ng nasabing detachment.


Biruin n’yo, halos gabi-gabi ay walang ginawa ang mga pulis ni Supt. Villanueva kundi ang mag-check-point na halos inaabot ng umaga.


Okey sana ang ginagawang checkpoint ng mga pulis ni Supt. Villanueva kung bukal sa mga puso nila ang ginagawa nila.


E, ang siste, kaya nagtse-check point ang mga pulis na ito ay dahil sa pinipitsaan lang ng mga ito ang bawat sinisita nilang ‘mga motorista’ partikular na ‘yung mga naka-motor at ‘yung mga kumakaliwa ng pa-Tayuman.


Ang nakaiirita pa sa mga pulis na ito, kung mag-checkpoint sila ay nakatago sila sa isang madilim na bahagi ng kahabaan ng Tayuman para nga naman hindi sila makita ng kanilang mga kokotongan na mga motorista.


Ang matindi pa sa mga kotongerong pulis na ito ng PS7, eh, wala silang sinisino ke media ka.


Kapag nakita kang kumaliwa ng pa-Tayuman ay paparahin ka ng mga tarantadong kotongerong pulis na ito ng Presinto 7.


Wala silang patawad, maging ‘yung mga nangangalakal ng mga basura sa kalsada ay sinisita ng mga ito kahit na alam nila na puro kalakal ng basura ang karga sa kanilang kuliglig.


Abangan sa susunod, papangalanan na natin ang mga kotongerong pulis ni Supt. Villanueva.


TAGA-KULIMBAT NG HEPE NG PASAY CITY


Sino naman itong pumapapel na bagman/collector ni Pasay City chief of police Supt. Melchor Reyes na alyas Jayson na walang ginawa kundi ang umorbit araw-araw sa mga pasugalan at bahay-aliwan?


Ginagamit ni Jayson ang pangalan ni colonel para makapangotong sa mga kailigalan sa buong Pasay City.


Alam kaya ni Col. Reyes na ipinangongotong siya?


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



CHECK-TONG NG TAYUMAN DETACHMENT, GARAPALAN


No comments:

Post a Comment