THIS month, babaik na sa La Presa sina Agnes at Xander. Nitong mga nakaraang buwan, ang La Presa ang bukambibig ng mga taong nais umakyat ng Baguio. Ito ang shooting location ng “Forevermore,” ang premier series ng ABS-CBN na kinatatampukan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Kung nais ninyong makita ang La Presa at may dala kayong sasakyan, maari ninyong i-park ito sa Sitio Cabuyay, Brgy. Sto.Tomas, Tuba, Benguet at babantayan ito ng mga taga-sitio sa pamumuno ni Kagawad Arsenio Alaoas sa halagang P20. Maliban kay G Alaoas, mabubungaran ninyo sa sitiong ito ang kanyang mga anak na sina Abigail at Aldrin, at mga kapitbahay na sina G. Priscilla Tolabis at Irene na pawang hanapbuhay ay pagsasaka. Sa anihan tuwing ikatlong buwan, mabibili sa kanila ang patatas (P20 isang kilo), broccoli, cabbage, cauliflower, green peas, zucchini at iba pang mga gulay.
Siya nga pala, pagpasok ninyo ng Sitio Cabuyay (na siyang tunay na pangalan ng lugar–showbiz name lang ang La Presa), siguraduhing may nakahandang pambayad na P25 bawat tao para sa environmental fee. Ito ay gagamitin sa paghakot ng iniwan nating basura at sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lugar. Ang P20 na parking fee naman ay gagamitin ng Brgy. Sto. Tomas para sa paggawa ng railings at footpath.
Maliban sa napakagandang tanawin at maaliwalas na pakiramdam, ang isa pang ikinatutuwa ng mga bisita ay ang mga taong nakatira rito na karamihan ay mula sa tribong Kankaney. They are peace-loving and very respectful people, the reason why the telenovela’s cast and crew adore the place. There are no crime incidences in the area, and the only possible cause of trouble is men who had drunk a little too many wine as antidote to the biting cold. JOSEPHINE JARON-CODILLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment