NASAKOTE na ng Bangladesh security officials ang pangunahing suspek sa pagpatay sa American blogger na nagsusulat laban sa religious extremism.
Ayon sa elite anti-crime Rapid Action Battalion force, naaresto na si Farabi Shafiur Rahman, apat na araw matapos patayin sa gilid ng kalsada na puno ng tao si Avijit Roy sa Dhaka.
Sinasabing binantaan ni Rahman si Roy na papatayin niya ito sa pamamagitan ng kanyang post sa social media na Facebook.
Si Roy ay isang Bangladesh-born U.S. citizen at kasama ang kanyang asawa sa nadamay at nasugatan sa pag-atake. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment