PINAKILOS na ni Justice Secretary Leila de Lima ang Office of Cybercrime (OOC) para pag-aralan ang mga hakbang na maaring gawin laban sa website na ‘Ashleymadison.com’ na nanghihikayat ng adultery o pakikiapid.
Naniniwala si De Lima na karapatan ng estado na ipahinto o ipagbawal sa Pilipinas ang mga website na nanghihikayat ng iligal na aktibidad.
Kaugnay nito, posible umanong hilingin nila sa mga telecommunications company na ipagbawal sa bansa ang access sa nasabing website.
Sa ilalim umano ng Revised Penal Code, ang pakikiapid ay isang krimen at ito’y may katapat na parusa.
Magkagayunman, inatasan na rin umano niya ang OOC na alamin kung may mga probisyon sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act na maaring gamitin laban sa nasabing website. TERESA TAVARES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment