Sunday, December 28, 2014

Stranded sa bagyong Seniang, halos 8,000 na

DAHIL sa sama ng panahon dulot ng bagyong Seniang, umabot na sa halos 8,000 ang na-stranded na pasahero at sasakyang-pandagat sa mga pantalan hanggang ngayong, Disyembre 29.


Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 7,952 katao na ngayon ang stranded kabilang na ang 91 vessels, 26 na motor bancas at 239 na rolling cargo.


Ito’y matapos itaas ng PAGASA sa tropical storm category mula sa tropical depression ang bagyong Seniang.


Nanatili ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph ang bagyo na ngayon ay nananalasa sa bahagi ng Surigao del Sur matapos mag-landfall kanina sa Hinatuan.


Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.


Nakataas ngayon ang signal no. 2 sa Bohol, Siquijor, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.


Habang nasa signal no. 1 naman sa Leyte, Southern Leyte, Camotes Island, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Dinagat Province, Compostela Valley, northern part of Davao Oriental, Davao del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Zamboanga del Norte. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Stranded sa bagyong Seniang, halos 8,000 na


No comments:

Post a Comment