NIYANIG ng malakas na pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao alas-8:15 ng umaga kanina, Disyembre 29.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Public Affairs chief Captain Joan Petinglay, sumabog ang bomba sa Sitio Bagong Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.
Maswerteng walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.
Hindi pa matiyak kung anong klaseng bomba ang pinasabog sa gilid ng kalsada dahil walang nakitang shrapnel ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng Philippine Army.
Ngunit marami ang naniniwala na posibleng kagagawan naman ito ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para takutin ang taongbayan.
Agad namang pinabulaanan ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Abu Misry Mama ang pangyayari at wala raw silang kinalaman sa pagsabog.
Sa ngayon ay naghigpit pa ng seguridad ang militar at pulisya sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato laban sa mga armed lawless group. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment