Sunday, December 28, 2014

Granada sumabog, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawa katao makaraang sumabog ang isang granada sa harapan ng RCBC Bank sa Lungsod ng Masbate kaninang madaling-araw.


Nakilala ang dalawang biktima na sina Ian Irene Marastila, 33, security guard ng bangko at si Charlie Basa, 53, basurero na kapwa nagtamo ng minor injuries.


Sa inisyal na imbestigasyon, itinapon ng isang lalaking nakasakay ng motorsiklo ang granada sa harap ng nasabing bangko.


Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinitingnan kung may koneksyon ang nasabing pangyayari sa pagsabog din noong taong 2011. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Granada sumabog, 2 sugatan


No comments:

Post a Comment