Monday, December 29, 2014

Pagkamatay ng MCJ detainee, masusing iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang Manila City Jail detainee na unang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).


Sa ulat ng MPD-Homicide Section, hindi umano nai-report agad sa kanilang tanggapan ang nangyari sa inmate na si Alias Willyhado Gueta, edad 50-55.


Partikular na iniimbestigahan ng pulisya kung bakit hindi umano ang mga jailguard ang nagdala sa biktima sa ospital at pinasamahan lamang sa isang babae na kalaunan ay biglang naglaho nang iinterviewhin ito ng hospital staff.


“Kung hindi siya detainee, bakit siya nakasuot ng t-shirt na MCJ detainee. At bakit naman biglang naglaho ‘yung babae kung galing ito sa bahay nila at kapatid nga siya ng biktima” pagtataka ni Vallejo.


Sa pagsisiyasat ni SPO3 Glenzor Vallejo, nagpakilala umanong kapatid ng biktima ang naturang babae nang isinugod nito sa emergency room ng ospital noong Disyembre 25 ng madaling-araw.


Dahil dito, inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima at kung may kapabayaaan ang naturang pamunuan ng bilanggunan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkamatay ng MCJ detainee, masusing iniimbestigahan


No comments:

Post a Comment