Sunday, December 28, 2014

TRAFFIC CHIEF NG QCPD PALITAN

KUNG gaano kainutil ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagsugpo ng trapiko sa NCR ay gayundin ang Traffic Management Unit ng Quezon City Police District o QCPD.


Ano ba ang ginagawa nitong si QCPD-TMU Chief, Supt. Ely Pintang, at hibndi nito masolusyonan ang matinding trapik sa Quezon City?


Huwag na po tayong lumayo. Dito lang sa may kanto ng V-Luna Road at Anonas, ilang metro lang ang layo sa Kampo Karingal kung saan nag-oopisina itong si Col. Pintang ay grabe ang haba ng trapik.


Nagtataka lang ako kung bakit hindi ito masolusyonan gayong dito halos dumaraan ang lahat ng mga pulis-trapiko ng Quezon City sa kanilang pagpasok sa Kampo Karingal.


Malayong malayo itong si Col. Pintang sa mga nagdaang hepe ng trapik sa QC dahil ‘yung mga hepe noon ay makikita mo talaga na sila mismo ay nagtatrapik sa kalsada, lalo na sa Cubao, pero itong si Pintang ay nagkukulong lang yata sa kanyang air-conditioned na opisina.


Kaya pala kahit ang kanyang mga tauhan ay nagagalit sa kanya at hindi lang makapagsalita dahil baka pag-initan sila.


May nakarating na impormasyon sa Lily’s Files na bukod sa P80,000 na tseke na binibigay na komisyon ng DPOS dito ay kinukuha pa ng mga multo ang kalahati ng komisyon ng sector commanders.


Sobra naman yata ang takaw ng mga multo. Napakalaki na nga ang P80,000 komisyon mula sa DPOS, tumatanggap pa ang mga ito mula sa mga iligal na terminal ng UV Express. Sa napakalaking suweldo ng mga bosing diyan, huwag na po sanang tapyasan pa ‘yung sa mga sector commander. Alikabok na nga lang kung ikukumpara sa tinatanggap ng mga multo, eh, nakikihati pa ang mga ito.


Ang maganda, dapat na ipakita ng mga bosing diyan sa mga residente ng Lungsod Quezon na ‘yung mga nakukuha nilang komisyon ay karapat-dapat talagang mapunta sa kanila.


Sinasabing ito palang si Col. Pintang ay “bata” ng isa sa pinakamataas na opisyal ng QCPD kaya malakas ang loob nitong hindi magmando ng trapiko sa lungsod.


Sabagay sabi nga ng mga pulis-QC, iba na talaga ang anak ng DIYOS, may tagatanggol kung sakaling may bulilyaso at isa na itong si Pintang sa sinasabing anak ng DIYOS ng QCPD.


QCPD Director, SSupt. Joel Pagdilao, sir, marami kayong nakatenggang opisyal sa QCPD na alam ninyong mas karapat-dapat at ‘di hamak na mas magaling at masipag kaysa hepe ng traffic ngayon.


Col. Pagdilao, sir, huwag n’yo na pong antayin ang pagretiro nito sa susunod na taon dahil ang isang araw lang na maranasan mo ang ganyang katrapik papuntang Karingal ay nakaiinit na ng ulo.


***

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09184177565. LILY’S FILES/LILY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



TRAFFIC CHIEF NG QCPD PALITAN


No comments:

Post a Comment