INAAKALA ni Derek Ramsay na hindi siya ang mananalong Best Actor. Siguro kaya no show siya sa Gabi ng Parangal. Kaya raw hindi siya nakarating sa PICC Planary Hall ay gawa ng pag-aasikaso raw sa kanyang ama na may sakit. Anyway, nagprepara pa rin siya ng kanyang talumpati na nakasulat sa papel at ang kanyang leading lady ng English Only, Please na si Jennylyn Mercado ang bumasa at tumanggap ng award para sa aktor.
Tuwing merong ganitong parangal, hindi rin maiwasan ang magkaroon ng sourgrapings. Kapag merong natatalo sa anomang kategorya, expect na merong nagrereklamo at meron din namang totoo na dinadaya. Flashback tayo noong dekada ’90 nang magkaroon ng dayaan ang Metro Manila Film Festival at ang ipinanalo noong Best actress ay si Rufa Gutierrez. Ang nagbasa yata ay ang kanyang kaibigan na si Viveka Vavadji (hindi ko alam kung korek ang pagka-spell ng pangaln ng beauty queen na ito ng Maurutius) at ang binasa naman ni Gretchen Barretto ay ang pangalan ni Gabby Concepcion.
Anyway, maraming nagsasabi sa mga nakapanood ng English Only, Please na magaling dito si Derek Ramsay at pati na rin ang kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado. Ang sinasabi ko rito ay base sa aking nababasa at naririnig hindi ako makapag-comment kasi hindi pa ako nakapanonood ng kahit isa sa mga palabas ng Metro Manila Film Festival. Ganun pa man, binabati ko ang lahat ng mga nanalo.
***
Remember Digna Morena? Ang nag-iisang action star na babae noong dekada ’80 na mula sa pagiging beauty queen ng Leyte, hanggang nag-runner-up sa Press Photography of The Philippines at Miss Lions International. Nang mawala ang mga action movies sabay din sa paglaho ng kanyang pagkabituin dahil ang naging uso ay ang tf films at ‘di niya kayang gawin ito.
Hindi man siya aktibo sa pagiging artista abala siya sa kanyang mga negosyo. Nag-invest siya ng mga lupain sa Antipolo at Taytay Rizal. May ipinatayong building at nagbukas na rin siya ng kanyang bagong restaurant na dinadayo ng mga customers sa sarap nga naman ng mga food nila. Mismong si Digna ang Chef ng kanyang Catalan Grill and Restaurant na hango sa kanyang tunay na apelyido.
Pwede ring mag-order sa kanya ng cake na siya rin ang nag-bake. Pinag-aralan niya ito sa Culinary School. Hindi man siya mag-artista, meron naman siyang income. Tinanong ko rin si Digna kung type din niyang mag-produce ng pelikula. Ang sagot niya sa amim ay tama na raw ang negosyo niyang naipundar at walang kasiguraduhan na kikita ka sa pelikula. Oo nga naman.
Mga malalaking productions ang iba ay dead na! Manibagong Taon sa Ating Lahat. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment