Monday, December 29, 2014

PAPUTOK AT USOK, MAPANGANIB SA KALUSUGAN AT BUHAY NG TAO

MALAPIT-LAPIT na tayong mamaalam sa taong 2014, pero kaakibat sa ginagawang tradisyon ng mga Pilipino ay ang paggamit ng “firecracker”. Kaya, naghahanda na ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga inaasahang magaganap na sunog sa Kamaynilaan.


Nanawagan na si BFP District Fire Marshal Superintendent (CESE) Jesus P. Fernandez sa mga residente na ingatan ang pagtatapon ng sigarilyo sa kung saan-saan.


Napag-alamang sigarilyo at paputok ang sanhi ng pagkasunog ng isang bodega ng papel sa Novaliches noong isang linggo, at bodegang naglalaman ng mga TV show props sa Quezon City rin.


Maagang nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) laban sa masamang epekto ng paggamit ng paputok. Ang kampanyang iwas-paputok ngayong taon ay may temang “Mahalaga ang buhay, iwasan ang paputok.”


Umaasa rin si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon J.P. Paje, na mas marami pang mga pamahalaang lokal (LGUs) ang tumutulong sa pagbabawal sa paggamit ng paputok.


Ipinamalita ni DENR Kalihim Paje sa pagkilos ng anim na siyudad at isang bayan sa pagpapatupad ng isang ordinansa na sinang-ayunan at nanindigang ang mga alkalde na ipagbawal na ang paggamit ng paputok sa kani-kanilang lungsod sa pagsalubong sa bagong taon 2015.


Base sa talaan ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang lungsod ng Davao, Baguio, Muntinlupa, Zamboanga, Olongapo, Kidapawan at bayan ng Pateros, ay nagpatupad na ng Firecracker Ban.


Hinihiling ni Dr James G. Dy, Pangulo ng Chinese General Hospital & Medical Center sa mga magulang, “ipagbawal ang paggamit ng paputok dahil nakalalason ang usok sa mga bata bukod sa maaaring makasira sa mata at tenga. Ang usok ng paputok, ay maaaring makasama sa mga matatanda, dahil maaaring tumaas ang kanilang alta presyon. Maaaring sa mga pasyente may kanser, hika at sakit sa baga.” ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG


.. Continue: Remate.ph (source)



PAPUTOK AT USOK, MAPANGANIB SA KALUSUGAN AT BUHAY NG TAO


No comments:

Post a Comment