MALAKI umano ang posibilidad na nasa kailaliman na ng Java Sea ang nawawalang AirAsia Flight QZ 8501.
Ayon kay Indonesian National Search and Rescue Agency chief Bambang Soelistyo, konklusyon nila ito batay sa ibinigay na coordinates.
Gayunman, posible pa umanong magkaroon ng mga development habang patuloy ang pag-aaral sa mga data.
Magiging malaking pagsubok ito kung sakaling nasa ilalim na ng dagat ang naturang eroplano dahil walang na-transmit na emergency signal ang eroplano matapos itong mawala sa radar kaya hindi matukoy ang eksaktong lokasyon nito.
Pinalawak ng mga rescuers ang search area sa karagatan na nasa pagitan ng Bangka at Kalimantan Island.
Umaasa ang Indonesia na matagpuan sa lalong madaling panahon ang A320-200 plane na may lulang 162 katao.
Ang eroplano ay nawala habang patungo ito ng Singapore mula sa Indonesia na pinaniniwalaang nawalan ng kontrol dahil sa masamang panahon.
Bago nawalan ng contact ang eroplano sa radar, hiniling ng piloto na mula sa 6,000 ft. ay umakyat ito sa 38,000 ft. dahil sa matinding kaulapan ayon sa Indonesian transport ministry.
Pinayagan din ang request ng piloto na lumipad sa kaliwang bahagi dahil sa masamang panahon.
Mula sa 38,000 ft., hiniling ng piloto na bumaba ito sa 32,000 ft. ngunit hindi na napayagan ang hiling na ito ng Flight QZ8501 dahil sa air traffic noong panahong iyon at makalipas ang limang minuto, nawala na sa radar ang AirAsia plane.
Tumutulong na rin ngayon sa paghahanap ang mga bansang Singapore, Malaysia, Australia at South Korea na nagpadala ng mga barko at eroplano.
Samantala, nitong umaga ay humarap sa pamilya ng mga biktima sa Surabaya airport sa Indonesia ang mga opisyal ng AirAsia at Indonesia upang magbigay update sa search operation.
Lulan ng eroplano ang may 155 Indonesians, tatlong South Koreans, tig-isa mula sa Singapore, Malaysia, Britain at France.
Hanggang ngayon ay shocked pa rin ang mga kamag-anak habang ang ilan ay umiiyak at nagsasagawa ng vigil habang naghihintay sa paliparan.
Ito na ang pangatlong trahedya sa airline companies ng Malaysia ngayong taon. GILBERT MENDIOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment