INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na kinakailangan ng ibayong paghihigpit sa paggamit at pagbebenta ng paputok matapos na madagdagan pa ang bilang ng fireworks-related injuries dalawang araw bago sumapit ang Bagong Taon.
Ito’y matapos makapagtala pa ng 15 biktima ng paputok ang 3 sa 6 na pampublikong ospital sa Maynila.
Ayon kay Dr. Brian Aguilar, Medical Officer ng emergency room ng Ospital ng Maynila, mayroong pitong biktima ang naisugod kung saan pawang mga menor-de-edad, habang pito rin ang dinala sa Tondo Medical Center (TMC) at isa naman sa Ospital ng Maynila.
Sa naturang bilang, 14 ang naputukan ng piccolo na ang pawang menor-de-edad maliban sa isang 22-anyos na lalaking biktima.
Sinabi ni Aguilar na dapat higpitan pa ang kampanya kontra paputok upang mailayo ang mga bata sa peligro.
Nangunguna pa rin ang piccolo na sanhi ng firecrackers-related injuries na umabot na sa 66% na bilang ng kaso.
Nabatid din na pumalo na rin sa kabuuang bilang na 130 ang naputukan mula ng magsimula ang monitoring ng DOH. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment