HABANG inaantabayan ang pagdiriwang ng Bagong Taon, aabot na sa 140 ang naitalang firecracker-related injuries sa bansa na karamihan ay dahil sa piccolo.
Bagama’t bumaba na sa 39% ang mga nasugatan kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, muling iginiit ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na pigilan ang kanilang mga anak na maglaro ng anomang klase ng paputok sa pagsalubong ng New Year.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, maaari namang salubungin ang Bagong Taon na walang paputok para walang madamay gamit ang mga mapaminsalang firecrackers.
Sa naitalang 51 kaso, karamihan dito ay mga batang edad 10-taon pababa habang ang 102 na biktima ay ang mga active users ng paputok.
Karamihan pa rin sa mga naitalang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), na may 51 kaso; Northern Mindanao, 12; Davao region, 11 at Cagayan Valley, 10.
Ang monitoring ay bahagi pa rin ng programa ng health agency na Aksyon Paputok Injury Reduction.
Samantala, patuloy naman ang monitoring ng PNP sa kaso ng indiscriminate firing sa bansa kaugnay pa rin sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay S/Supt Robert Po Deputy PIO ng PNP, bagama’t bumaba ang kaso sa nakaraang tatlong taon ay kailangan nila itong pagtuunan ng pansin para maiwasan ang anomang sakuna.
Sa ngayon, nasa 10 kaso na ng stray bullets ang naitala sa buong bansa at pito rito ay may nabiktimang indibidwal.
Ang huling kaso ng indiscriminate firing ay kinasasangkutan ng isang Jailguard na si Mario Cortez na ngayo’y nakakulong at nadis-armahan na.
Napag-alamang noong Linggo pa naganap ang insidente sa Bgy. Bagong Silang sa Lumban, Laguna na biktima ang isang pitong-taong gulang na bata na tinamaan sa ulo na maswerte namang nakaligtas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment