Sunday, December 28, 2014

3 bihag na pulis, palalayain ng NPA sa Enero 2015

MATAPOS palayain ng New Peoples Army (NPA) ang apat na bihag na sundalo, nakatakdang palayain naman ng rebeldeng ang kanilang tatlong bihag na miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa pagpasok ng taong 2015.


Ayon kay National Democratic Front spokesman Jorge Madlos na nakabase sa Mindanao na plano din nilang palayain ang tatlong bihag na pulis na sina PO1 Democrito Bondoc Polvorosa, PO1 Marichel Unclara Contemplo, at PO1 Junrie Amper na dinukot ng mga rebeldeng NPA sa Surigao del Norte.


Hindi naman mabatid kung anong araw sa susunod na buwan planong palayain ng NPA ang tatlong pulis.


Noong Biyernes, pinalaya ng NPA ang apat na sundalo na sina Pfc. Marnel Tagalugon Cinches at Pfc. Jerrel Yorong sa may bahagi ng Malaybalay City sa Bukidnon.


Una ng pinakawalan ng komunistang grupo ang dalawang sundalong Army noong December 21, sina Pfc. Alvin Ricarte at Cpl. Benjamin Samano kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



3 bihag na pulis, palalayain ng NPA sa Enero 2015


No comments:

Post a Comment