HALATANG-HALATA ang kaugnayan ni Philip Camara, isa sa mga direktor ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sa paninira at pagdiskaril sa pamumuno ni Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.
Ito Ang Totoo: lumalabas na ginagamit ni Camara sa maling bagay ang matagal nang nabibinbing dagdag-suweldo ng SBMA employees. Naglabasan kamakailan sa ilang diyaryo ang pag-ako ni Camara ng kredito sa pagpasa ng SBMA board sa pagsailalim ng SBMA employees sa Salary Standardization Law (SSL).
Pare-pareho ang nakasulat, pati pangalan ni Garcia ay pare-parehong mali na sa halip na Roberto ay naging Reynaldo, kaya bistadong-bistado na iisa ang pinaggalingan ng mapanirang “feed,” ‘di ba direktor Camara?
Ito Ang Totoo: magdadalawang taon na ang rekomendasyon ni Chairman Garcia at SBMA board na 10% dagdag-suweldo batay sa mas mataas na Bases Conversion Developement Authority (BCDA) rates pero nauudlot dahil sa paulit-ulit na maniobra ni Camara nang sari-saring alegasyon laban kay Garcia.
Sa halip na aprubahan, nagpapa-imbestiga tuloy ang Malacañang na nakakita namang walang katotohanan ang mga alegasyon ni Camara.
Ito Ang Totoo: batas ang nagtatakda na idaan sa Malacañang at Dept. of Budget and Management (DBM) ang dagdag-suweldo sa SBMA employees.
Dahil may pera naman na resulta nang maayos na pamamalakad, nais ibigay ni Garcia ang dagdag-suweldo.
At bukod sa SSL, hinahabol pa rin ni Garcia ang 10% increase para sa SBMA employees at sa kalaunan, ang kabuuang pagpapatupad ng BCDA rates na magpapaginhawa sa pamumuhay ng marami.
Bakit kailangang akuin ni Camara ang kredito at siraan si Garcia gayong ang pagkakapasa ng pagpapatupad ng SSL ay kagustuhan ng buong board?
May kasamang alegasyon na umano’y pag-iipon ni Garcia ng pondo para sa kandidatura ni Bise-Presidente Jejomar Binay kaya tila politika ang nasa kokote ni Camara na nahihibang na sa pagnanasang maging SBMA chairman bilang preparasyon sa kandidatura ng boss niyang si Mar Roxas.
Si Garcia ang unang ulo ng SBMA na walang bahid politika kaya panis ang alegasyon ni Camara na dapat sa ngayon ay napupuna na ng Malacañang na balakid sa normal na operasyon ng SBMA at Subic Freeport. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment