KUMIKILOS na ang bagyo dahil sa nabuong low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.
Ayon kay Manny Mendoza ng PAGASA, forecasting center, binigyan ito ng local name na tropical depression Seniang.
May lakas ang bagyo na 45 kph habang kumikilos ng pakanluran sa bilis na 11 kph.
Huli itong namataan sa layong 340 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Inaasahang magdadala ito ng ulan sa Visayas at Mindanao.
Ang mga nasa mabababang lugar ay binabalaan sa posibleng baha at pagguho ng lupa.
Nakataas na ngayon ang signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar tulad ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental at Bukidnon. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment