LAGAS ang isang sundalo habang sugatan naman ang anim na iba pa nang ambusin ng mga armadong kalalakihan ang Mt. Province nitong Linggo ng gabi.
Sinabi ni Senior P/Supt. Oliver Enmodias, head ng Mt. Province Provincial Police Office, na ang pumanaw ay si Pfc Moses Tingtingga habang ang anim nitong kasamahan ay ginagamot pa sa Bontoc General Hospital.
Hinahanting na ngayon ng awtoridad ang mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan na pinagsususpetsahan na mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:45 p.m. sa Tetepan, Sagada, Mt. Province.
Ayon kay Emmodias, pauwi na ang mga miyembro ng 24th Infantry Battalion mula sa isinagawa nilang Youth Leadership Summit sa National High School ng Sagada nang tambangan sila ng hindi nakilalang grupo.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at ng kasundaluhan para malaman kung sino ang mga responsable sa pananambang sa mga sundalo. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment