Sunday, December 28, 2014

New Year, posibleng bagyuhin – PAGASA

BAGYO na ang namumuong sama ng panahon, ito ang pahayag kahapon (Linggo) ng PAGASA.


Ayon sa PAGASA, namuo ang low pressure area LPA sa Hinatuan, Surigao del Sur na nagging tropical depression Seniang, Linggo ng umaga.


Dakong 4:00 a.m., nanalasa na si Seniang sa bilis na 340 km silangan ng Hinatuan na may hanging 45 kph malapit sa gitna at 7-15 mm per hour (moderate-heavy) ulan.


Gumagalaw si Seniang patungong kanluran sa bilis na 11 kph, at inaasahang babagsak sa lupa sa Hinatuan, Surigao del Sur, Lunes ng umaga.


Maaari umano itong magtagal ng dalawang araw.


Nakataas na ang public storm signal no. 1 sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Compostella Valley, Camiguin Island, Misamis Oriental at Bukidnon.


Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar.


Pinaalalahanan na rin ang mga mangingisda na iwasang gumawi sa northern at silangang bahagi ng Luzon, at silangang bahagi ng Visayas.


Pinaalalahanan din nila ang mga residente sa mga mabababang lugar at mga naninirahan sa paanan ng bundok partikular sa Mindanao na mag-ingat at maging mapagmatyag. NENET L. VILLAFANIA / JAYZL NEBRE


.. Continue: Remate.ph (source)



New Year, posibleng bagyuhin – PAGASA


No comments:

Post a Comment